Tuesday, October 25, 2011

Ang Pera na Hindi Bitin- Ang Financial Guide Book na Hindi Nakakabitin




I have a lame excuse to write this review in Tag-lish, mix ng tagalog at English, kasi the book that I am going to review is also written in Tagalog-English.
Unang una, bakit ko ba binili ang 100 pages na librong ito? Well, siguro once in my life natutunan ko na maging wais. Instead of buying a cellphone load worth 50 pesos, I decided na ibibili ko na lang ng libro na makakatulong to enhance myself to become a better person. In the first place,50 pesos lang naman to, walang mawawala pag bibilhin ko to.
In the second place, I know it is God’s will for me to buy this book. Thirty minutes before ko binili ang libro, I was in the church challenging God. Yes, how dare me challenging God, sabi ko sa kanya, patunayan mo nga yong promise mo sa Malachi 3:10. Sabi mo, pag ibibigay ko ang buong tithes, you will open the window of heaven and you will pour out the blessings so that I will have no enough room para paglagyan. Eh meron akong 3 bank accounts, and only one of three accounts ang may laman, so help me to fill the other two bank accounts with blessing. SIguro iniisip mo how materialistic ko naman. I am not desperate about money, pero marami kasi akong gustong tulungan na hindi ko magawa gawa kasi kulang sa pera (weeee?????). Then, I am looking for answers, sabi ko, if I really want to get rich, dapat may gagawin din ako para ibless ni God. Hindi nya naman siguro literally ibubuhos ang blessings diba? The question is, what should I do? I asked God for wisdom and help. Tapos namalayan ko na lang, nasa National Bookstore na ako, pumipila sa cashier para bayaran ang maliit na libro na worth 50 pesos.
Nang binasa ko, sobra akong nablessed sa mga natutunan ko. This is not exaggeration, this is not overreacting or whatever, this is the truth. Nabasa ko na ang libro ni JK Rowling na Harry Potter Series, pero ang makakapal na libro na yon ay walang wala compared sa 100 pages na librong ito na isinulat ni Eduardo O. Roberto Jr. Bakit ko nagustuhan ang libro? Dahil sa sumusunod:
1.       Practical
Most of the books about financial management na nababasa ko are based on experience, para syang story telling type. Pero itong libro na to is not only a story telling in the author’s perspective kundi meron din mga advices kung anong dapat mong gawin para yumaman ka. And sobrang praktikal ng mga suggestions. Yong mga bagay na naiisip mo na akala mo mahirap, in one way or another, doable din pala if you really want to do it and you have the determination.
2.       Educational
Naalala ko nung college, apat na makakapal na libro ang nabili ko, Electronics, Communications, Physics at saka Chemistry. Akala ko sa makakapal na libro ka lang maeeducate, but I was wrong. This book proves na kahit 100pages lang, you can educate yourself. And true, I can testify for that, sobrang dami kong natutunan.
3.       Biblical

This is what I am looking for, yong libro na ang basis hindi lang limited sa experience ng author as well as sa mga advices kundi may biblical basis din. Expect some verses like Malachi 3:10, Luke 6:38 at saka Jeremiah 29:11. Aside from the humor and the truth, alam mo na credible yong mga nakasulat kasi may biblical foundation.

I know that this book is God’s answer to my questions about money. Pero dapat, we should always remember na stewards lang tayo ng mga earthly possessions. Parang training ground lang, para pagdating sa langit, God can entrust us the heavenly treasures.
This is indeed a must read book. Siguro kung lahat ng Pilipino babasa ng librong ito, uunlad ang Pilipinas. As of now, I am planning and organizing strategies para dadami pera ko. Thanks for this book for teaching me how to dougie, I mean to make things possible.

1 comment:

  1. Definitely down to earth no queer twist and turns. Ultimately, clear as glass in simple financial education. I've read this book and it's fantastic. Touching every one's walk of life.

    My exegesis here: http://roldanking.blogspot.com/2010/11/strategy-7-ang-pera-na-hindi-bitin.html?showComment=1330995370183#c6233081492257440455


    More power God bless!

    ReplyDelete

Say Something